Walang Kultura sa Maynila, Sabi ng Supreme Court of Twitter

Ang flavor of the week ng "Supreme Court of Twitter" today ay: “Walang culture sa Maynila.” I guess this is not only referring to the City of Manila, but the entire metropolitan area as well. Sa original post, sinasabing ginagawang transit point lang ang Maynila dahil wala masyadong “kultura ito,” na kanyang inihantulad sa iba pang capital cities katulad ng Bangkok at iba pa.

 
Sa una, I was taken aback and disagree. Pero siguro prudence na rin at nakapagpigil ng una. I get the poster’s point—and I think it has been one concern that stakeholders thought as well. Ano ang makikita sa Kamaynilaan that would make them stay for more than a day, ika nga. Then again, that’s for tourism experts and stakeholders to think about. But to point out sir Jayeel’s thought na “bakit kailangan ng pag-eexoticize at pagiging ‘static’ ng kultura kung ito ay buháy at binubuhay ng taumbayan mismo?”
 
On my part, I may have had the same line of thought as the original poster on Twitter nung mas bata pa ako. Anong meron sa Maynila at Kamaynilaan? Shopping? However, it was our experience with Ateneo’s Institute of Philippine Culture’s project (through Prof Fernando Zialcita and sir Erik Akpedonu), our eyes were opened to Manila that is beyond the layers of tourism and cultural heritage. Namulat from then on that “culture is life” and despite it being mundane, buhay na buhay ang kultura dahil may mga taong bumubuhay pa rin dito. May tradisyon, may norms, may pagpapahalaga, at may pagpapapabaya.
 
Dahil din dito, namulat din tayo sa konsepto ng Cultural Mapping, kung saan tinutukoy nito ang mga bagay na may kabuluhan sa isang pamayanan—makasaysayan, lipunan, siyentipiko, estetiko man. Ang sinasbaing proseso ay hindi lamang (ideally) bilang isang praktis for compliance sa PRECUP o sa batas ng mga LGUs at pamayanan, kundi isang paglalakbay o “journey of self-discovery.” May naengkwentro kaming LGU na nagsabing, “sir wala kaming history dahil wala kaming lumang bahay o simbahan.” Ang naging tugon ay “tignan naman natin ang inyong intangible cultural heritage at may makikita tayong kultura at kasaysayan doon.”
 
Yung original poster ay sinasabing may background sa marketing or branding. Iniisip ko na baka kailangan niyang tulungan siguro ang Kamaynilaan sa pagbubuo ng konsepto to make visitors stay longer in the city. I also think that kailangan niya siguro makipag-interact sa stakeholders sa cultural heritage at tourism officers. Sa Maynila naman, may mga specialized tours na nagpapakilala at nagpapalalim ng appreciation tungkol sa lungsod—we have Renacimiento Manila, SJ Go, Ivan Man Dy, at marami pang iba na gagabay at bibigyan ng panibagong pananaw tungkol sa Maynila.
 
In closing, nasabi ko tuloy na, sa paghahanap natin ng “uniqueness and identity natin” sa iba, ay hindi natin namalalayan na ang hinahanap natin ay nandyan lang sa tabi-tabi at mismong ginagawa na natin. Maaaring di lang napapansin dahil araw-araw lang andyan. Mapapansin na lang siguro kung hanggang sa ito’y masira, magiba, mawalan ng pagpapahalaga o mawala sa gunita ng pamayanan. Kaya kailangan ng paglalalim, pagtutuklas, at kung minsan ay paglayo para makita ang kabuluhan at kultura ng isang lugar.